Isang 17-anyos na motorcycle rider ang nasawi matapos siyang bumangga sa isang pick-up sa bahagi ng Santa Maria, Laguna nitong nakaraang Lunes, December 15.
Dead on arrival sa Rural Health Unit ng Santa Maria ang biktima na kinilala lamang sa alyas "Rens," 17 anyos at residente ng Barangay Daraitan, Tanay, Rizal.
Ayon sa ulat ng Santa Maria Municipal Police Station, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Marilaque Highway sakay ng kanyang motorsiklo nang maganap ang aksidente.
Pagsapit umano sa bahagi ng Barangay Pao-o ay bigla siyang kumabig ng linya, dahilan para bumangga siya sa isang Ford Ranger pick-up na minamaneho ng isang alyas "Bryan," residente ng Malabon City.
Pumailalim sa pick-up ang biktima sa lakas ng pagkakabangga niya dito.
Napag-alamang walang driver's license ang biktima, habang hindi rin makita ang registration ng motorsiklo.
(OpinYon News Team)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews
