Biñanense National Scientist, kinilala ng NHCP
OpinYon Laguna

Biñanense National Scientist, kinilala ng NHCP

Apr 6, 2026, 6:35 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang simple ngunit makabuluhang pagkilala ang iginawad ng pamahalaan sa isang anak ng Biñan City, Laguna na malaki ang iniambag sa paghubog ng pag-aaral ng kasaysayan sa Pilipinas.

Isinagawa noong March 21 ang paghahawi ng tabing at paglilipat ng Panandang Pangkasaysayan para sa Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist) na si Dr. Encarnacion Alzona sa Sentrong Pangkultura ng Biñan.


Pinangunahan ang nasabing seremonya ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Regalado Trota Jose, Jr., kasama sina Biñan City Mayor Gel Alonte, Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office (BCHATO) head BJ Borja, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.


Nakiisa rin ang kilalang historian na si Ambeth Ocampo; Dr. Francis Navarro, Komisyoner ng NHCP at kasalukuyang Pangulo ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas (Philippine Historical Association); at si Dr. Ma. Luisa Camagay, Komisyoner ng Philippine Commission on Women at dating Pangulo ng PHA.


Si Dr. Encarnacion Alzona ay isinilang sa Biñan, Laguna noong March 23, 1985 at pumanaw noong March 13, 2001.


"Si Dr. Alzona ay hindi lamang isang historyador at akademiko. Siya ay isang huwarang Pilipina. Bilang kauna-unahang Filipinang nagtamo ng PhD sa Kasaysayan at kinilalang National Scientist, malaki ang kanyang naiambag sa edukasyon, kasaysayan, at pagsusulong ng karapatan ng kababaihan," ayon kay Mayor Alonte.


Isa siya sa mga tagapagtatag ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1955, naging opisyal na taga-salin ng mga akda ni Dr. Jose Rizal mula 1957-1962, kauna-unahang pagulo ng Kababaihang Rizalista noong 1958, at kauna-unahang babae na itinalaga bilang Tagapangulo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan, 1966-1967.

Bukod sa kanyang mga naging ambag sa pag-aaral ng kasaysayan, nakilala rin si Alzona sa pagsusulong ng pantay na karapatan para sa mga Pilipina.


Kabilang siya sa mga nagsulong ng karapatang bumoto ng mga kababaihan sa Pilipinas, bagay na iginawad sa kanila noong 1937.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.