Biñan SDO, humakot ng parangal sa Gawad Teodora Alonzo
OpinYon Laguna

Biñan SDO, humakot ng parangal sa Gawad Teodora Alonzo

Mar 2, 2026, 6:31 AM
Kenneth Sacro

Kenneth Sacro

Contributor

Ipinamalas ng mga mag-aaral at guro ng Biñan City, Laguna ang kanilang husay sa pagsusulat, ilustrasyon, at malikhaing pagkukuwento sa pambansang entablado.

Humakot ng parangal ang mga delegado ng Biñan City Schools Division Office (SDO) sa Gawad Teodora Alonzo (GTA) ng Department of Education (DepEd) na ginanap kamakailan sa Bohol.


Nagkamit ng 1st Place sa Category 6.2: Stories for Young Readers by Young Writers si Claire Madelaine Guinoban ng SouthVille 5A Integrated National High School para sa “Hindi na ako Bata.”


Pumangalawa naman sa Digital Storytelling Competition ang “Ang Batang Nagpasibol ng Lungsod” ni Evelyn De Castro.


Nagkamit ng 3rd Place sa Category 2.2: Open Comics si Mark John Marte ng Biñan Integrated National High School para sa “Heart from a Fur,” at 3rd Place sa Category 3.2: Gender and Development si Annalyn Flores para sa “Prinsipe ng Bestida.”


Nagtapos sa 4th Place sa Category 1.1: Chapter Books for Grade 7–8 si Angelo Liloc ng Tubigan Elementary School para sa “Key to Correction,” habang kabilang sa Top 5 ng On-site Storytelling si Ricky Lou Aniciete ng Biñan Integrated National High School para sa “Kaypait ng Tsokolate mo, Dayang.”


Sa Readex Picks para sa Chapter Books, kinilala sina Maria Imeelyn Zamora ng Timbao Elementary School at Darwin Clutario ng Biñan Science and Technological High School para sa “Ang Boyfriend Kong Bakunawa,” gayundin si Abner Caya ng Biñan Integrated National High School bilang ilustrador ng “Tinong.”


Naging Runner-Up sa Readex Pick sa Category 5: Stories from Education Leaders si Christian Mespter Hernandez para sa “Pangulo sana ang Lolo ko.”


Kabilang din sa Readex Pick Top 5 sa Category 6C: Tulang Pambata si Alyzza Judi Pardillo ng Biñan Integrated National High School para sa “Mga Laman ng Pencil Case Ko.”


Bilang National Qualifiers, kinilala sina Wendell S. Flores ng Malaban East Elementary School at Liezel Villanuac ng Timbao Elementary School para sa “Bituing Asul,” si Bellinda Parayaoan ng Malaban Elementary School para sa “Tahimik Ako Pero May Sasabihin Ako,” at si Luisa Aurea Atienza ng San Vicente Elementary School para sa “Ang Bagong Bata sa Paaralan.”


Ang Gawad Teodora Alonzo ay isang pambansang storybook competition ng DepEd, na naglalayong hikayatin ang mga guro at estudyante sa pagsusulat ng mga tula at kwento na maaaring magamit sa mga paaralan.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.