Nakapagbakasyon na ba ang lahat?
Kung hindi pa, maaaring ikonsidera ninyo ang mga ipinagmamalaking accomodation, resort at events place na matatagpuan sa bayan ng Siniloan, Laguna.
Langhapin ang sariwang hangin at preskong kapaligiran sa iba’t-ibang handog na pasyalang angkop ngayong tag-init.
Walang katumbas na ginhawa ang naghihintay para sa lahat ng turista dahil tinitiyak ng kanilang pamahalaang bayan na tanging labis na pangangalaga ang napupunta dito.
Sa kabila nito, may paalala pa rin ang kanilang tanggapan hinggil sa wastong responsibilidad para sa mga nais bumisita:
- Panatilihin ang kalinisan
- Igalang ang kalikasan at komunidad
- Sumunod sa mga alituntunin sa bawat destinasyon.
Madali lamang pumunta sa bayan ng Siniloan, kahit pa ito’y matatagpuan sa dulong silangang bahagi ng Laguna.
Kung galing Maynila, halimbawa, maaaring sumakay ng bus papuntang Infanta, Quezon at bumaba sa junction ng Famy, kung saan maaaring sumakay ng tricycle papuntang Siniloan.
Maaari ring sumakay ng jeepney o minibus galing Cainta, Rizal papuntang Siniloan (SINCRODA), na diretso na sa palengke ng Siniloan ang terminal.
Kung galing naman ng Santa Cruz, mayroon ring masasakyang jeepney papuntang Siniloan, habang ang mga galing Lucena City, Quezon naman ay maaaring sumakay ng bus papuntang Infanta.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

