‘Bawal iyan’ DTI, muling nagpaalaala kaugnay ng mga ‘pm sent’
Quezon

‘Bawal iyan’: DTI, muling nagpaalaala kaugnay ng mga ‘pm sent’

Dec 1, 2021, 6:20 AM
Grace Chan

Grace Chan

Writer

Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) na sa ilalim ng RA 7394 o Consumer Act of the Philippines na ipinagbabawal ang pagbebenta ng kahit na anong produkto na walang karampatang price tag, label or marking ng presyo ng produkto.

LUCENA CITY, Quezon- MULING nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Consumer Care sa mga online seller na sumunod sa pinaiiral na suggested retail price (SRP) para sa mga basic commodity.

Ang paalala na ito ay inilabas kasunod ng inaasahang pagtaas ng bilang ng mga online sellers lalo na't papalapit na ang holiday season at bunsod pa rin ng nagpapatuloy na pandemiya ng Covid-19.

Ayon naman kay Maru Salamanca ng Lucena City at online seller ng Kutsinta ni Ruja, taong 2017 pa siya nagtitinda ng online ay may nakalagay na siyang presyo sa kaniyang paninda.

“Ever since nag-start po ako ng aking online business, naglalagay na ako ng price. Dahil mas convenient sa mga mamimili,” pahayag ni Salamanca.
"Medyo maabala ang ‘PM Sent’ sa online selling. Mas smooth ang maayos at hindi maabala kaya inilalagay ko na ang presyo ng produktong binebenta ko,” dagdag pa niya.

Nakasaad sa RA 7394 o Consumer Act of the Philippines na ipinagbabawal ang pagbebenta ng kahit na anong produkto na walang karampatang price tag, label or marking ng presyo ng produkto.

#opinyonquezon #QuezonNews #opinyonnews #DTI


More about Quezon

ALAMIN Guidelines sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 3

ALAMIN: Guidelines sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 3

2 hours ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.