‘Batang Laguna,’ sasabak sa World Youth Championship
Youth

‘Batang Laguna,’ sasabak sa World Youth Championship

Aug 12, 2026, 1:55 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Magpapakitang-gilas ang mga batang basketbolista mula sa iba’t-ibang panig ng Laguna upang kumatawan hindi lang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa para sa idaraos na World Youth Championship 2026.

Biyaheng Singapore ang aabot sa 47 miyembro ng Batang Laguna basketball team bilang isa sa mga pambato ng Pilipinas sa nasabing kampeonato na gaganapin ngayong August 6 hanggang 9.


Nakatakdang lumahok ang 14 bansa mula sa Asia-Pacific, Middle East, at North America para sa apat na araw ng “elite competition” at “cultural exchange”.


Bago tuluyang lumipad ang naturang koponan, bumisita muna ang mga batang atleta sa kapitolyo upang bigyang suporta ng pamahalaang panlalawigan.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.