Barker, patay sa bugbog ng kainuman
Death

Barker, patay sa bugbog ng kainuman

May 25, 2026, 3:06 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Binawian ng buhay ang isang 49-anyos na lalaki ilang oras matapos umanong pagbubugbugin ng kanyang nakainuman sa Calamba City, Laguna noong Martes, May 19.

Kinilala ang biktima na si alyas "George," isang jeepney barker, residente ng San Pedro City, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Halang, Calamba City, Laguna.


Ayon sa paunang ulat ng Calamba City Police Station, nag-iinuman umano sa gilid ng highway ang biktima kasama ang isa pang jeepney barker na kinilalang si alyas "Alfred," 38 anyos, noong gabi ng Martes nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.


Sa gitna umano ng pagtatalo nila ay nagbasag ng bote si "George" at pinagtangkaang saksakin si "Alfred."


Dito na umano gumanti si "Alfred" at kaagad ginulpi ang biktima.


Nagawa pang bumalik sa kanyang pwesto sa harap ng isang motorcycle shop sa Barangay Halang ang biktima, kung saan doon siya natulog kasama ang kanyang live-in partner.


Kinabukasan (Miyerkules, May 20) ay doon na dinatnan si "George" ng kanyang live-in partner na wala nang buhay sa kanilang pinagtulugan.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima, habang naaresto naman sa follow-up operation si "Alfred" na nahaharap ngayon sa kasong homicide.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.