Hindi na bago ang pagkakalagay sa panganib ng buhay ng mga opisyal ng barangay sa pagganap sa kanilang tungkulin na maipatupad ang batas at panatilihin ang kaayusan sa kanilang lugar.
Ngunit hindi pa rin akalain ng isang barangay chairman sa Biñan City, Laguna na siya pa ang madadamay sa gulong kinasangkutan ng dalawang pamilya sa kaniyang barangay kamakailan.
Tatlong residente ng Barangay Ganado ang dinakip matapos umanong pagtulungan ang kapitan ng barangay na kinilalang si Jhon Jhon Del Rosario noong araw na iyon.
Batay sa ulat ng Biñan City police, umaawat sa isang away ng dalawang pamilya si Del Rosario sa kanyang barangay nang tatlong kalalakihan na kinilala lamang sa mga alyas na "Roderick," "Rick," at "Ryan" ang bigla na lamang nambugbog sa kanya.
Bukod pa rito ay pinagbantaan pa umano ni alyas "Roderick" ang kapitan, dahilan para tumawag na siya ng mga pulis.
Kaagad namang nadakip ang tatlong suspek na nahaharap ngayon sa kasong direct assault.
(Ulat mula sa Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews