Barangay kagawad, patay sa pananaga
Death

Barangay kagawad, patay sa pananaga

Feb 24, 2026, 7:21 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Patay ang isang barangay kagawad mula sa San Pablo City, Laguna matapos umanong pagtatagain ng kanyang kainuman kasunod ng pagtatalo habang nag-iinuman sa Dolores, Quezon noong Martes, February 17.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang 7:00 ng gabi sa loob ng bahay ng suspek sa Barangay Bulakin sa nasabing bayan.


Ayon sa mga awtoridad, magkasamang nag-iinuman ang dalawa nang mauwi umano sa mainitang argumento ang kanilang usapan.


Sa gitna ng pagtatalo, bigla umanong kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima.


Sugatan pang nakatakbo ang kagawad upang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay, subalit hinabol siya ng suspek at muli pang inundayan ng taga, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.


Matapos ang krimen, tumakas ang suspek patungong San Pablo City dala ang ginamit na armas.


Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya para sa agarang pagkakaaresto ng suspek, habang inaalam pa ang kabuuang motibo sa krimen.


Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan at agad na magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa ikadarakip ng salarin.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.