STO TOMAS City, Batangas -- Nakita ng mga rumespondeng bumbero ang bangkay ng isang lalaki na sunog ang ilang bahagi ng katawan sa grassfire sa San Luis, Batangas.
Sa ulat ni Hazel Alviar sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Miyerkules (21 Feb 2024), sinabi na 85-anyos ang biktima na residente ng Barangay Taliba, kung saan naganap ang sunog.
Ayon sa San Luis Bureau of Fire Protection, nang mga alas-2:00 ng hapon nitong Martes (20 Feb 2024), tumanggap sila ng tawag tungkol sa grass fire.
Nang puntahan ang lugar na tinatayang may lawak na 500 metro, natagpuan ang bangkay ng biktima, na tubong dito.
Nakatanim ang mga kawayan sa likod ng bahay ng biktima, kung saan naganap ang sunog.
Batay sa mga awtoridad, maaaring na-suffocate ang biktima kaya't hindi na ito nakabangon.
Nakita rin ng ilang residente ang biktima na naglilinis sa lugar bago nangyari ang sunog. Ngunit hindi pa matukoy ng mga imbestigador kung siya ang nagsindi ng apoy kahit na may hawak daw itong kalaykay.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya habang sinusubukan pang kausapin ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat.
PHOTOCAPTION: GMA Regional TV photo courtesy
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonBatangas #