Nagbigay ng courtesy call si PNP-Calabarzon Regional Director PBEN Antonio Yarra kay Quezon Governor Danilo Suarez.
Mainit ang naging pagtanggap ng buong hanay ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) kay PNP-Calabarzon Regional Director PBEN Antonio Yarra sa kanyang pagbisita sa lalawigan nitong nakaraang Lunes (February 21).
Sinalubong siya ni QPPO Provincial Director PCOL Joel Villanueva kung saan ipinrisinta sa kanya ang mga “loose firearms” na nakumpiska ng mga otoridad sa probinsya.
Kasabay nito ay nagkaloob din si Yarra ng medalya at papuri sa mga natatanging pulis sa lalawigan.
Matapos nito ay nagbigay ng courtesy call si Yarra kay Quezon Governor Danilo Suarez sa provincial capitol sa Lucena City.
Sa naturang pagpupulong ay pinag-usapan nina Yarra at Suarez ang mga hakbang na maari gawin para masiguro ang tuloy-tuloy na kapayapaan, kaligtasan at kaayusan ng bawat mamamayan sa nasabing lalawigan
(Larawan mula sa Quezon PIO)
Tags: #OpinYonQuezon, #PhilippineNationalPolice, #courtesycall, #PNPCalabarzon