Bagong mga ambulansya para sa Santa Rosa City
OpinYon Laguna

Bagong mga ambulansya para sa Santa Rosa City

Dec 22, 2025, 2:36 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Mas mabilis na pagtugon sa mga sakuna at medical emergencies.

Ito ang inaasahan ng pamahalaang lungsod ng Santa Rosa, Laguna sa tatlong bagong Health Service Vehicles na kaloob ng Toyota Motor Philippines.


Tinanggap nina Mayor Arlene Arcillas at Vice Mayor Arnold Arcillas ang nasabing mga donasyong ambulansya mula kay Jose Maria Aligada, pangulo ng Toyota Motor Philippines Foundation (TMPF), noong nakaraang Lunes, December 15.


Pumirma rin ng memorandum of agreement ang lokal na pamahalaan at ang TMPF para sa pagtanggap at pangangalaga sa mga ambulansya.


Ayon sa Santa Rosa City LGU, ilalaan ang nasabing mga bagong ambulansya sa Santa Rosa Community Hospital, City Health Office I, at City Health Office II.


Ang Toyota Motor Philippines, isa sa mga pinakamalaking automotive company sa buong Pilipinas, ay nakabase sa Santa Rosa City na siya namang itinuturing na nagpasimula sa paglago ng sektor ng industriya sa lalawigan ng Laguna.


"Ang donasyong ito ay simbolo ng matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor para sa iisang layunin: mas ligtas, mas mabilis, at mas maaasahang serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Santa Rosa," ayon pa sa pamahalaang lungsod.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.