Bagong McDonald’s branch ni Alden Richards
OpinYon Laguna

Bagong McDonald’s branch ni Alden Richards

Jan 27, 2026, 7:08 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Panibagong blessing ang sinalubong ng aktor na si Alden Richards ngayong Lunes, January 19, sa pagbubukas ng kanyang sariling branch ng McDonald’s sa Santa Rosa City, Laguna

Dinaluhan ng mga kaibigan sa industriya ng showbiz at kilalang personalidad kabilang sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin at Bea Binene ang isinagawang “Neighbor’s Day” ng naturang fast-food chain sa Barangay Kanluran.


Ito ang pangalawang branch ng nasabing fastfood chain na hinahawakan ni Richards, matapos ang nauna niyang branch sa lungsod ng Biñan.


Ispesyal ang nasabing branch dahil bukod sa pagbabalik-tanaw ni Richards sa lungsod na kanyang sinilangan ay may natatangi ring kasaysayan ang nasabing lugar.


Isa kasi ito sa mga kilalang bahay na bato o ancestral house sa Santa Rosa City na napanatili ang orihinal na disenyo kahit na naging moderno.


Ang nasabing bagong branch ay matatagpuan sa dating Zavalla-Rivera Ancestral House, na isa sa mga kilalang "bahay na bato" sa paligid ng Santa Rosa City Proper.


Una nang nagpahayag ng agam-agam ang mga local historian at heritage foundation matapos umano itong gibain noong 2024 upang bigyang-daan ang bagong McDonalds branch ni Richards.


Matatandaang isa ring branch ng McDonalds sa downtown San Pedro City na binuksan noong 2021 ang hinangaan ng mga netizen dahil sa pagkaka-preserba sa lumang istruktura nito.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #AldenRichards


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.