as maayos na tirahan para sa mga residente ng Los Baños, Laguna. Ito ang tiniyak ng pamahalaang bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Anthony "Ton" Genuino (pang-anim mula sa kanan), katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Social Housing Finance Corporation (SHFC), sa paglulunsad ng Bagong Los Baños Residences sa Barangay Años ngayong Miyerkules, November 27.
Aabot sa 17 gusali ang itatayo para sa vertical housing project na layong magbigay ng ligtas at disenteng pabahay para sa 2,120 pamilya sa Los Baños simula sa susunod na taon. Pangunahing magiging benepisyaryo ng naturang mga bagong housing units ang mga mahihirap, mga nakatira sa danger zones tulad ng tabing riles at tabing-lawa, gayundin ang mga residenteng wala pang sariling bahay.
(Larawan mula sa Philippine Information Agency)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #LosBañosResidences