Bagong buhay Mga dating drug user, nagtapos sa rehab program
Quezon

Bagong buhay: Mga dating drug user, nagtapos sa rehab program

Oct 26, 2021, 8:17 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

INAASAHANG babalik na sa tamang landas ng buhay ang ilang mga dating drug user na tinatawag din na recovering persons who used drugs (RPWUD) matapos magsipagtapos sa community-based rehabilitation program na isinagawa ng Kanlungan ng Pagbabago sa Lucena City kamakailan.

Ang programa ng rehabilitasyon ay pinangunahan ng Lucena City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pamumuno ni Francia Malabanan at isang maikling seremonya ng pagtatapos ang isinagawa kamakailan para sa mga RPWUD.

Ang mga recovering drug users ay sumailalim sa 30-day-in-house program, kabilang na ang skills training gaya ng paggawa ng rug at dishwashing liquid, gayundin ang pagsasailalim sa ibat-ibang mga modules, seminars.

Tinuruan din sila ng NC1 shielded metal Arc welding sa ilalim ng TESDA Quezon at mga intervention katulad ng spiritual, psychological at mga physical activities.

Ayon kay Malabanan, ang nasabing pagtatapos ay bunga ng pagsusumikap ng mga nakilahok na makapag-bagong buhay mula sa kanilang masamang gawain noon na dulot ng iligal na droga.

Idinagdag rin niya na ang programang ito ng lokal na pamahalaan ay hindi pa nagtatapos, bagkus ito ay ang panimula ng bagong yugto ng kanilang buhay.

Patuloy rin ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaang panlungsod sa pamamagitan ng tanggapan ng Cadac upang mas lalo pa ng mga itong mapagtagumpayan ang minimithing pagbabago.

Samantala, sa huling bahagi ng programa ay pormal ng nakapagtapos ang naturang mga RPWUDs na pinagkalooban ng mga relief goods na mula sa mga mabubuting sponsors.

Tags: #Lucena #opinyonquezon #opinyonnews #QuezonNews #QuezonProvince


More about Quezon

Magbababoy sa Calabarzon, tatanggap ng bayad-pinsala photo DA-4A

Magbababoy sa Calabarzon, tatanggap ng bayad-pinsala

4 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.