Bagong bomb-disposal equipment ng Santa Rosa City
Peace and Security

Bagong bomb-disposal equipment ng Santa Rosa City

Feb 26, 2024, 2:23 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Sa gitna ng patuloy na pagsulpot ng mga bomb threat sa iba't ibang bahagi ng bansa, ibinida ng pamahalaang lungsod ng Santa Rosa City, Laguna ang kanilang mga bagong equipment na maaaring magamit sa naturang mga sitwasyon.

Sa isang Facebook post ngayong Martes, February 20, ipinasilip sa publiko ng Santa Rosa LGU ang mga makabagong kagamitan ng City of Santa Rosa Peace & Order Council (SRC-POC), kabilang na ang isang bomb suit, X-Ray machine, at bomb-disposal unit.


Ang 35 kilong bomb-suit na binubuo ng helmet, visor, gwantes, jacket at pantalon na may blast plates at shin inserts, at boots ay kayang kontrahin ang mula 450 hanggang 1,900 m/s pwersa ng pagsabog.


Pinoprotektahan din nito ang nakasuot laban sa overpressure at shockwave ng pagsabog, pangunahin at sekundaryong pagtalsik at pagtagos ng mga bahagi ng bomba at/o anumang bagay sa bomb-suit.


Ang 90 kilong EOD Robot naman na remote-controlled hanggang sa 90 metrong layo ay maaaring humila at makabuhat ng 3.2kg na bagay sa bilis na apat na kilometro kada oras.


Ito ay may sariling video system, infrared illumination, x-ray mount, at pwedeng gamitin sa anumang uri ng panahon.

Ang portable x-ray machine ay para naman makita ang loob ng mga kahina-hinalang bag o container.


"Mas okay na may equipment tayong ganyan, huwag natin sanang magamit," pahayag ni Santa Rosa City Vice Mayor Arnold Arcillas.



Matatandaang nitong nakaraang Lunes ay binulabog ng bomb threat ang ilang mga paaralan sa San Pedro City, Laguna, ang pinakahuling lungsod na nakapagtala ng naturang mga pagbabanta sa nakalipas na linggo.

Photo Courtesy: Santa Rosa / CIO-FB Page

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonLaguna #STARosaLGU #PublicSecurity #PeaceAndOrder


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.