Babae, nalunod sa resort
Death

Babae, nalunod sa resort

Mar 23, 2026, 7:25 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ngayong papalapit na ang panahon ng tag-init kung saan uso na naman ang out-of-town, isang paalala: laging bantayan ang inyong mga kasama sa lakad.

Isang babae ang naiulat na nalunod sa loob ng isang resort sa Calamba City, Laguna noong madaling-araw ng Linggo, March 15.


Kinilala ng Calamba City Police Station ang biktima na si alyas "Claire," 34 anyos at residente ng Taguig City.


Ayon sa ulat ng mga awtoridad, kasama ni "Claire" ang kanyang mga kaibigan na nag-overnight sa isang resort sa Barangay Pansol, Calamba City.


Matapos umanong mag-inuman ang magkakaibigan ay nagkayayaan sila na lumangoy sa pool ng resort.


Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang nila si "Claire" na palutang-lutang at wala nang malay sa malalim na bahagi ng pool.


Naisugod pa sa J. P. Rizal Memorial District Hospital ang biktima ngunit hindi na rin siya nagawang maisalba ng mga doktor.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.