Naging matagumpay ang ginanap na ikalawang bugso ng Cash Assistance payout para sa mga TODA drivers na isinagawa nitong nakaraang April 19, 2024 sa mga bayan ng San Narciso, Iba, at Botolan, Zambales.
Nanguna sa pagbibigay ng tulong si Zambales 2nd District Congresswoman Doris “Nanay Bing” Maniquiz katuwang ang Tingog Party List at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Umabot sa mahigit kumulang sa 2,824 na TODA members mula sa bayan ng San Narciso, San Antonio, Cabangan, Botolan at Iba ang nakatanggap ng P2,000 Financial Assistance mula sa AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakasama sa nasabing programa sina Mayor Irenea Maniquiz-Binan ng Iba, BM Lugil Ragadio, SB Margie Maniquiz ng Iba at ang buong Sangguniang Bayan
Samantala, lubos naman ang papasalamat ni Nanay Bing sa kooperasyon ng lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang programa ng payout ng ayuda.
#WeTakeAStand #OpinYon #CashAssistance #DSWD