Awtoridad, naalarma sa pagpasok ng turista sa Taal Volcano
Philippine Coast Guard

Awtoridad, naalarma sa pagpasok ng turista sa Taal Volcano

Feb 18, 2026, 8:22 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Paanong nakalusot ang isang grupo ng mga turista sa isang bulkan?

Ito ang sinisiyasat ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) kasabay ng ulat na may mga turista umanong nakapasok sa Permanent Danger Zone sa Taal Volcano noong February 8.


Sa paunang ulat, lumitaw na nag-arkila ng bangka ang limang indibidwal noong araw na iyon upang makapasok sa Taal Volcano Island.


Hindi lamang sila nakapasok sa mismong isla, kumuha pa umano sila ng litrato malapit mismo sa crater.


Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa bulkan, kung saan bawal pumasok ang mga sibilyan sa mismong Taal Volcano Island lalo na't may panganib pa rin itong sumabog anumang oras.


Lumabas na walang clearance mula sa PCG at hindi rehistrado sa Safety, Security, and Environmental Numbering (SSEN) system ang bangkang ginamit.


Ayon naman sa may-ari at operator ng bangka, wala umano silang kaalam-alam na bawal palang pumasok sa loob ng Taal Volcano Permanent Danger Zone.


Tinitingnan na ng PCG, kasama ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Taal Volcano Protected Landscape-Protected Area Management Board (TVPL-PAMB), kung anong mga kaso ang posibleng isampa laban sa mga turista gayon din sa may-ari ng bangka na ginamit.


(Ulat mula sa PIA)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.