Tatlong panalo sa isang araw ang nakamit ng dalawang atleta mula sa San Pedro City, Laguna sa ginanap na Jiu-Jitsu Federation of the Philippines (JJFP) National Selection Trials noong Sabado, February 7, sa Ayala Circuit, Makati City.
Magkasabay na ipinagbubunyi sina Chase Mapalo at Jah Rod Zion Lugtu matapos magwagi ng tatlong medalya para sa pagkakataon na katawanin ang Pilipinas sa ibang bansa.
Nanguna sa mga kategorya ng Gi U18 at No Gi U18si Mapalo kung saan dalawang gintong medalya ang nasungkit niya.
Iniuwi naman ni Lugtu ang silver medal para sa kategoryang Gi U21.
Nagpahatid rin ng pagbati ang San Pedro City Youth and Sports Development Office (CYSD) para sa dinalang tagumpay ng dalawang atleta sa lungsod ng San Pedro.
Pangako ng nasabing opisina, patuloy nilang susuportahan ang lahat ng mga atletang San Pedrenses na sumusubok magbigay karangalan.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

