Nadagdagan na naman ang mga karangalang tinanggap ni Jah Rod Zion Lugtu, isang binatilyong jiu-jitsu artist mula sa San Pedro City, Laguna.
Ito’y matapos muli siyang magkampeon sa Asian Sports Jiu-Jitsu Federation (ASJJF) Cebu Annual Copa Dumau 2025.
Pinataob ni Lugtu ang mga nakatunggali niya noong Sabado, November 8, sa ika-3 taon ng Copa Dumau De Jiu-Jutsu De Philippine, na ginanap sa Gaisano Mall of Cebu Atrium, Cebu City.
Nakasungkit ng ginto si Lugtu matapos magwagi laban kay Chua Jesse para sa kategoryang Gi Adult Blue 18-30 Medium Heavy (-88kg).
Nasungkit niya rin ang silver medal para naman sa kategoryang Gi Juvenile Blue 16-17 Open Weight.
Ang Cebu Annual Copa Dumau 2025 ang pangatlong torneyo ni Lugtu ngayong taon kung mahigit sa isang medalya ang kaniyang naiuwi.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #AtletangSanPedrense
