Nakasungkit ng panibagong medalya ang isang atleta mula sa Santa Cruz, Laguna matapos ang ika-14 ASEAN School Games (ASG) na ginanap mula November 22 hanggang 27 sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Muling nagpamalas ng husay si Kram Airam Carpio para sa kategoryang Tanding Female Class D, kung saan nagwagi siya ng bronze medal.
Dumagdag ito sa sunod-sunod niyang mga pagkapanalo sa 3rd Asian Youth Games (Gold) at 9th Asian Pencak Silat Championship (Silver) ngayong taon.
Nakakuha ang Team Pilipinas ng 11 gold, 10 silver, at 22 bronze medals, pang-apat sa lahat ng bansang kalahok.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #AtletangLagunense
