Atletang Biñanense, wagi sa Indonesia U18 Open Championships
Athlete

Atletang Biñanense, wagi sa Indonesia U18 Open Championships

Sep 9, 2025, 3:26 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Hindi lang isa, kundi dalawang medal ang nasungkit ng track and field athlete na si Pi Durden Wangkay sa ginanap na Indonesia U18 Open Championships sa Indonesia noong August 29 at 30.

Bronze medal ang una niyang napalanunan para sa Men’s 200m nang makatala siya ng 22.54 sa Heats, 21.80 sa Semifinals at 22.16 sa Finals.



Silver medal naman para sa Men’s 100m matapos makapuntos ng 11.11 sa Heats, 10.89 sa Semifinals at 10.96 (-0.3 wind) sa Finals.



Wagi rin ng silver medal ang kasabayan niyang si Lorraine Batalla para sa sa Women’s 400m.


Kasama nilang lumaban sa Indonesia si Joel Platon, na sumalang sa 100m, 200m, at Long Jump.


Hindi pa man tapos ang nasabing kompetisyon, silang tatlo ay kabilang din sa mga atletang Pilipino na lalahok sa darating na Asian Youth Games ngayong Oktubre.


Sinamahan sila ng kanilang mga coach na sina Yourke Tamaya at Jonah Genilza.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.