₱592-K halaga ng droga, nasamsan ng PNP Calabarzon
PNP

₱592-K halaga ng droga, nasamsan ng PNP Calabarzon

Mar 24, 2026, 2:49 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Iniulat ng Police Regional Office 4A ang kanilang daily accomplishment report kung saan umabot sa 31 katao ang naaresto sa isinagawang 19 na operasyon laban sa ilegal na droga sa rehiyon ng CALABARZON mula March 16 hanggang 17.

Batay sa ulat, nakumpiska sa naturang mga operasyon ang kabuuang 72.85 gramo ng hinihinalang shabu at 809.06 gramo ng marijuana na may tinatayang kabuuang halaga na ₱592,197.20.


Ipinapakita nito ang patuloy na pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga sa rehiyon.


Samantala, dalawang operasyon laban sa loose firearms ang ikinasa kung saan dalawang indibidwal ang naaresto at dalawang baril ang nakumpiska. Sa kampanya naman kontra ilegal na sugal, 20 operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 44 na katao at pagkakasamsam ng ₱7,484.00.


Naitala rin ng pulisya ang pagkakaaresto sa 16 most wanted persons at 26 pang iba na may kinahaharap na kaso.


Kaugnay naman ng pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, 641 katao ang pinagmulta habang 2,207 ang pinagsabihan o reprimanded dahil sa paglabag.


Patuloy namang pinaalalahanan ng Philippine National Police ang publiko na makiisa sa mga programa ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.