'ARMY's Dark&Wild Reawakened' sa Galleria South
Entertainment

'ARMY's Dark&Wild Reawakened' sa Galleria South

Aug 24, 2026, 7:07 AM
Juliana Marie Dela Paz

Juliana Marie Dela Paz

Writer

Napuno ng purple hearts, tawanan at good vibes ang Robinsons Galleria South Mall sa San Pedro City, Laguna sa "ARMY Dark&Wild Reawakened" event noong August 15.

Sa nasabing event na pinangunahan ng ARMY YAH PH at Robinsons Galleria South ay nagsama-sama ang mga ARMY (tawag sa fan base ng global KPop group na BTS) na nag-enjoy, nakipag-bonding at gumawa ng mga bagong memories kasama ang mga kapwa ARMYs.


Ramdam na ramdam din ang saya at excitement habang sama-samang ipinagdiwang ang kanilang pagmamahal, pagsuporta at paghanga para sa BTS.


Hindi lamang ito basta event at selebrasyon, naging chance din ito para sa ARMY’s na makakilala ng bagong friends, makipag-kulitan at mag-enjoy kasama ang buong ARMY community sa lalawigan ng Laguna.


Binalikan ng nasabing event ang debut studio album ng BTS, ang "Dark&Wild," na unang inilabas noong 2014.


Ayon sa mga organizers, ang "Dark&Wild" ay tumutukoy sa pait ng pag-ibig at ang hirap ng paglaki.


Inilalarawan nito na ang pag-ibig ng kabataan ay hindi laging masaya, madalas itong magulo, masakit, at nakakadismaya kapag hindi nasusuklian.


Kasabay nito, ipinaparating din ng album ang galit at pagrerebelde laban sa mga kritiko habang hinahanap ang kanilang totoong pagkakakilanlan sa global stage.


Sa madaling salita, nais iparamdam o iparating ng BTS sa kanilang ARMY’s na normal lang masaktan, magalit at malito sa proseso ng paglaki at pagmamahal.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.