Armas, nahukay sa subdivision
Arrest

Armas, nahukay sa subdivision

Mar 16, 2026, 5:14 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Laking gulat ng mga trabahador sa isang subdivision sa Santa Cruz, Laguna matapos makahukay ng armas at bala noong nakaraang Huwebes, March 5.

Kaagad na nagdeploy ng mga tauhan ang Santa Cruz Municipal Police Station sa isang subdivision sa Barangay Duhat ng nasabing bayan matapos iulat ang pagkakadiskubre ng nasabing mga armas bandang umaga ng Huwebes.


Ayon sa may-ari ng lote kung saan nahukay ang mga armas, nagpapagawa umano siya ng bahay sa nasabing lote nang mahukay ng mga trabahador ang limang piraso ng magazine ng M16 rifle, gayundin ang 21 piraso ng bala.


Kaagad itinurn-over sa mga awtoridad ang nasabing mga armas, habang iniimbestigahan pa kung sino ang posibleng nagbaon ng mga ito sa nasabing lote.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.