Armadong lalaki, sugatan sa engkwentro sa Biñan City
OpinYon Laguna

Armadong lalaki, sugatan sa engkwentro sa Biñan City

Apr 8, 2024, 3:14 AM
Opinyon Laguna News Team

Opinyon Laguna News Team

Writer

Isang armadong lalaki ang sugatan matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Barangay Soro-soro, Biñan City, Laguna Lunes, April 1.

Sa ulat ng Biñan City Police Station, bandang alas-onse ng Lunes nang iulat ng isang concerned citizen ang isang lalaking armado umano ng pistola na pagala-gala sakay ng isang motorsiklo sa Purok 7 ng nasabing barangay.


Nang rumesponde ang mga tauhan ng Biñan City police at kinompronta ang dalawang nakamotorsiklo ay bigla umanong bumunot ng baril ang isa sa kanila at akmang puputukan ang mga pulis.


Nakaganti naman ng putok ang mga rumespondeng pulis, dahilan upang masugatan ang suspek at mahulog mula sa motorsiklo.


Kaagad namang tumakas ang kasama ng suspek sa direksyon ng Barangay San Francisco matapos ang insidente.


Isinugod sa Ospital ng Biñan ang suspek upang lapatan ng lunas, habang patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.