Ancestral house, nilooban
Trending News

Ancestral house, nilooban

Sep 3, 2024, 5:33 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Paalala sa mga may-ari o katiwala ng mga ancestral house: laging bantayang maigi ang inyong mga tahanan.

Isa kasing ancestral house sa Santa Cruz, Laguna ang nabiktima ng isang "akyat-bahay" na kawatan noong August 19.

Ayon sa ulat ng Santa Cruz Municipal Police Station, iniulat nitong nakaraang Lunes, August 26, ang panloloob sa tahanan na pag-aari ni Dr. Millicent Grace de Guzman sa Barangay San Pablo Norte sa nasabing bayan.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas "Allan," nasa hustong edad at residente rin ng naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon na nakapasok si "Allan" sa ancestral house na katabi lamang ng sariling tahanan nito sa pamamagitan ng pagputol sa barbed-wire fence at pagbaklas sa airconditioning unit nito.

Tinangay ng suspek mula sa bahay ni De Guzman ang hindi pa matukoy na halaga ng relo, gadgets, household appliances at maging tatlong kilo ng bigas.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si "Allan" na nahaharap ngayon sa kasong robbery.

Photo courtesy: Back Trails (Photo for reference only)

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.