Amores, tanggal sa basketball dahil sa pamamaril
Sports/Games

Amores, tanggal sa basketball dahil sa pamamaril

Dec 30, 2024, 3:34 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Pinakamabigat na parusa ang ipinataw ng Games and Amusements Board (GAB) sa basketball player na si John Amores dahil sa kinasangkutan nitong insidente ng pamamaril sa Laguna nitong nakaraang Setyembre.

Sa isang desisyon na inilabas ng GAB kamakailan, tinanggalan na ng GAB license si Amores "effective immediately."

Ibig sabihin nito ay hindi na siya makakapaglaro sa kahit anong professional basketball league sa Pilipinas.

Nag-ugat ang nasabing desisyon sa isang away-basketball na nauwi sa pamamaril na kinasangkutan ni Amores sa Lumban, Laguna.

Pinaputukan umano ni Amores ang isang player na kanyang nakaalitan sa gitna ng Manila East Road, ngunit maswerteng hindi napuruhan ang biktima.

Sumuko rin si Amores, kasama ang kanyang kapatid, dahil umano sa banta sa kanyang buhay.

Ayon sa GAB, sa nasabing insidente ay nagpakita si Amores ng “conduct unbecoming of a professional basketball player.”

Bukod sa kasong kriminal na kinakaharap niya, nauna nang sinuspinde ang NorthPort player mula sa PBA Commissioner's Cup sa taong ito.

(OpinYon News Team)




We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.