Hindi lamang sa pag-aartista magaling, kundi pati na rin sa pag-aambag sa bayan.
Ito ang pinatunayan ng Lagunenseng aktor na si Alden Richards na pinarangalan kamakailan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang isa sa mga Most Outstanding Individual Taxpayers sa South Luzon para sa taong 2025.
Iginawad ang nasabing pagkilala kay Richards sa ginanap na 2026 South Luzon Cluster Tax Campaign Kickoff ng BIR South Luzon sa Calamba City kamakailan.
"This award is not just a personal achievement. It's a reminder of our shared responsibility as a citizen of this country. I believe paying the right taxes is more than just a legal obligation – it is a commitment to nation building," pahayag ng aktor sa kanyang naging mensahe.
Ipinahayag rin niya ang kanyang pagsuporta sa kampanya ng BIR sa tamang pagbabayad ng buwis.
“Pinapakita natin ang support sa campaigns ng BIR by being transparent and paying the rightful taxes, especially pagbabayad sa tamang oras. As public figures, kailangan mag set tayo ng good example. It is our moral and legal obligation as Filipinos, and one way of helping the community through nation-building," dagdag pa niya.
(Ulat mula sa PNA)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

