Aklatan at librarian na Biñanense, kinilala ng National Library
Provincial News

Aklatan at librarian na Biñanense, kinilala ng National Library

Oct 8, 2024, 3:09 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Nagkamit ng mga parangal ang mga programa ng Biñan City, Laguna upang mahikayat ang mga kabataan nito na magbasa sa 8th International Conference on Children and Young Adults Librarianship na ginanap sa Lingayen, Pangasinan kamakailan.

Hinirag na first place ang Biñan City Library para sa "Exemplary Children's Library Service: Public Library Category" dahil sa programa nitong "KwenTuruan: Karunungan sa Silid-Aklatan."


Bukod dito ay kinilala rin si City Librarian Shiela Legaspi bilang "Children's Librarian of the Year."


Ang "KwenTuruan: Karunungan sa Silid-Aklatan" ay isang literacy project ng Biñan City Studies Center, Librarians Association of Biñan at Rotaract Club of Babaylan Biñan na naglalayong maikintal sa mga kabataang Biñanense ang halaga ng pag-aaral at pagbabasa sa murang edad.


Sinimulan ang naturang programa noong 2022, sa kalagitnaan ng pandemiya ng Covid-19, upang mapunan ang noo'y pangangailangan sa edukasyon matapos pansamantalang ihinto ang face-to-face classes dahil sa pandemiya.


Ang 8th International Conference on Children and Young Adults Librarianship ay isang event ng National Library of the Philippines na naglalayong maitampok ang mga hakbangin ng iba't ibang sektor upang mapalakas ang mga aklatan at reading programs para sa isang literadong Pilipinas.

#WeTakeAStand #OpinYon #KwenTuruanKarunungasaSilidAklatan #BiñanLGU


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.