AHOF Fans' Day sa San Pedro, dinagsa
OpinYon Laguna

AHOF Fans' Day sa San Pedro, dinagsa

Feb 23, 2026, 2:41 AM
Jeremy Rago at Kyrie Marzo

Jeremy Rago at Kyrie Marzo

Contributor

Nagmistulang MOA Arena sa dami ng tao ang Robinsons Galleria South Mall sa San Pedro City, Laguna noong February 13, sa ginanap na RMusic Fest AHOF Fansigning Event ng nasabing boy band.

Ang AHOF (All-Time Hall of Fame) ay isang South Korean boy group sa ilalim ng F&F Entertainment na kinabibilangan nina Steven, Jeongwoo, Woongki, Shuaibo, Han, Juwon, Chih En, Daisuke, at JL.


Sila ay unang nakilala sa "Universe League," isang talent show ng Seoul Broadcasting System (SBS), noong 2025.


Dinayo ng mga FOHAs (fandom name ng AHOF) mula sa Mandaluyong, Cavite, at iba pang karatig na lugar ang nasabing event.


Malaking inspirasyon umano nila si JL Gaspar, ang nag-iisang Pinoy member ng grupo.


Pahayag ni Monifha mula sa Barangay Landayan, “Pag lagi ko po siyang pinapanood, parang mas ginaganahan po akong mag-aral. Nakasali po ako sa academic achiever po.”


Inspired na inspired din si Jane na dumayo pa mula Mandaluyong para lang makita si JL.


“Very happy na nakita ko sila ulit na magpeperform sa harap ko,” aniya. “Yung Pilipino member ng AHOF, si JL, siya rin kasi yung bias ko. So very inspiring talaga na pumunta siya ng ibang bansa para lang matupad yung dreams niya. So pag napapanood ko siya parang naiinspire din ako.”


Hindi lamang mga kabataan ang nabibigyang sigla ng AHOF dahil ang kanilang charm ay “For all ages!”


Pahayag naman ni Paula, gayong natutuwa siya na nakikilala na ang "world-class" talent ng mga Pinoy artists, kulang pa rin ang pagsuporta upang mas maitanghal pa sila.


"Sometimes kulang sa support, kulang sa push. That’s what I really admire about JL, kasi kinaya niya," dagdag pa niya.


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.