Libu-libong mga mang-aawit mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at ibang bansa ang nakiisa sa "A Hundred Times Sixty: Towards a Singing Philippines" event ng Philippine Madrigal Singers na ginanap sa Alonte Sports Arena, Biñan City, Laguna noong Linggo, October 6.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa bilang pagtatapos sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng Philippine Madrigal Singers, isang grupo ng choral singers mula sa University of the Philippines (UP) - Diliman campus na natanyag na sa loob at labas ng bansa sa kanilang angking talento sa pag-awit.
Matatandaang naghandog rin ng performance ang Madrigal Singers noong buwan ng Mayo sa San Pedro City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng naturang lungsod ng Sampaguita Festival.
(Larawan mula sa Philippine Madrigal Singers Facebook page)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PhilippineMadrigalSingers