6,000 mang-aawit, bibida sa 60th anniversary ng Madrigal Singers sa Biñan
OpinYon Laguna

6,000 mang-aawit, bibida sa 60th anniversary ng Madrigal Singers sa Biñan

Sep 16, 2024, 6:05 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang pinaka-aabangang gabi ng musika ang ihahandog ng Philippine Madrigal Singers para sa mga Lagunense at Pilipino sa darating na Oktubre.

Sa October 6, inaasahang aabot sa 6,000 mang-aawit ang lalahok sa "A Hundred Times Sixty: Towards a Singing Philippines" event na gaganapin sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa Philippine Madrigal Singers, ang naturang event ay bahagi ng pagdiriwang ng organisasyon ng ika-60 na anibersaryo nito.

Bukas ang naturang event sa kahit sinumang may talento sa pag-awit, indibidwal man o grupo.

"Everyone is welcome to share their voices to this extraordinary experience. Be a part of something big as we take a monumental step towards our mission of creating a Singing Philippines," anila.

Ang Philippine Madrigal Singers ay isang grupo ng mga mang-aawit mula sa University of the Philippines (UP) - Diliman Campus na nakilala na sa buong bansa at mundo dahil sa kanilang angking talento sa choral music.

Ang "A Hundred Times Sixty: Towards a Singing Philippines" ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Biñan, Laguna, sa pangunguna ng Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office (BCHATO).

Sa mga nais sumali sa naturang event, maaaring magparehistro sa link na ito: bit.ly/6000Voices .

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BiñanLGU #PhilippineMadrigalSingers


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.