Kinikilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) Lucena City ang limang natatanging barangay na nanguna sa "Hapag Kilala: Top 5 Best Barangay" para sa Ikalawang Semestre ng 2025.
Ang parangal ay bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at inisyatiba sa pagpapatupad ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Program ng ahensya.
Nanguna ang Barangay Ibabang Talim na may 85 puntos, sinundan ng Barangay Bocohan sa ikalawang puwesto na may 75 puntos, habang pumangatlo ang Barangay Mayao Silangan na nagtala ng 70 puntos.
Nakamit naman ng Barangay Ibabang Dupay ang ikaapat na puwesto na may 67 puntos, at Barangay Domot Ilayang Iyam ang pumuno sa Top 5 na may 65 puntos.
Ayon sa DILG Lucena City, ang mga pinarangalang barangay ay nagsilbing huwaran sa urban gardening, seguridad sa pagkain, at napapanatiling pag-unlad ng kanilang mga komunidad.
"Lubos ang aming pasasalamat sa inyo sa pagiging inspirasyon tungo sa isang mas malusog at luntiang Lucena City," pahayag ng ahensya.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DILG

