Umabot sa P1.5 milyon ang naging pinsala sa isang sunog na tumupok sa apat na kabahayan sa Barangay San Vicente, Biñan City, Laguna noong Linggo, February 16.
Ayon sa ulat na inilabas ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa tahanan ng isang alyas "Rizaldy," 65 anyos at residente ng Malvar Street sa Barangay San Vicente, bandang alas-siyete ng gabi ng Linggo.
Mabilis na kumalat ang sunog sa mga katabing kabahayan, habang nadamay rin ang isang motorcycle shop sa nasabing lugar.
Naapula naman agad ang sunog bandang alas-otso ng gabi.
Walang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente, habang patuloy ang imbestigasyon sa posibleng sanhi ng sunog.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BFP #FireIncidents