39 volcanic earthquakes, naramdaman sa paligid ng bulkang Taal
Taal Volcano

39 volcanic earthquakes, naramdaman sa paligid ng bulkang Taal

Jul 6, 2021, 10:05 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Hindi pa rin malayong sumabog ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 39 na pagyanig sa paligid ng bulkan, ayon sa Phivolcs.

NASA 39 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institutes of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod sa pagyanig, naitala rin sa paligid ng bulkan ang high level ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions at steam-rich plumes na ibinuga ng bulkan.

Patuloy na nakataas sa alert level 3 ang bulkang Taal at ang pagtulak ng magma ay posibleng mauwi sa explosive eruption ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na ang buong Taal Volcano Island (TVI) ay isang Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa isla kabilang ang high-risk barangay na malapit dito ang Agoncillo at Laurel dahil sa banta ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami dahil sa banta ng pagsabog.

Nagbabala rin ang Phivolcs na lahat ng aktibidad sa Taal Lake ay mahigpit na ipinagbabawal at hindi pinapayagan sa kasalukuyan.

Samantala pinayuhan ng Phivolcs ang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bulkang Taal dahil sa mga abo sa hangin at banta ng pagsabog ng pyroclastic density na maaring makasama sa eroplano.

Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pagsabog nito. (SC)

Tags: #Phivolcs, #TaalVolcano, #Taalupdate, #volcanicearthquakes


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.