36 arestado sa drugs

Apr 2, 2024, 7:36 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

BATANGAS City -- Sa pagpapatuloy ng kampanya kontra ilegal na droga ng Batangas Police Provincial Office sa pangunguna ni director Police Colonel Samson Belmonte, halos umabot na naman sa 40 ang bilang ng mga nahuli ng mga hindi masawatang drug peddlers at users.

Sa loob ng isang linggong operasyon kontra droga na nagsimula noong ika-17 hanggang ika-23 ng Marso, 2024, nakalambat ang Batangas PPO ng 36 na drug personalities sa loob ng 32 na operasyon versus illegal drugs.

Umabot naman ang nakakumpiska droga sa 51.99 gramo ng shabu at limang (5) gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P367,932 lahat-lahat.

“Kaakibat ng kapulisan ng Batangas ang komunidad at ang mamamayan sa patuloy na laban kontra ilegal na droga sa iisang layunin na maging drug-free ang ating lalawigan tungo sa Bagong Batangas at Bagong Pilipinas,” wika ni Belmonte.

#WeTakeAStand #OpinYon #IllegalDrugs