34th South Luzon Area Business Conference, isasagawa sa Laguna
OpinYon Laguna

34th South Luzon Area Business Conference, isasagawa sa Laguna

Dec 9, 2024, 2:36 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Nakatakda nang isagawa sa Laguna province ang 34th South Luzon Area Business Conference (SOLABC) ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) South Luzon sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ng PCCI-Laguna Chamber kasabay ng pagdiriwang ng PCCI South Luzon ng Christmas Party event nito sa Enchanted Kingdom sa Santa Rosa City noong nakaraang Huwebes, November 28.

Ang 34th SOLABC ay nakatakda nang ganapin sa Enchanting Events Place sa nasabing theme park sa April 24 at 25, 2025.

Ayon sa PCCI South Luzon, ang nasabing conference na may temang "Building Resilience and Sustainability, Embracing Diversity" ay magpo-pokus sa mga paglikha ng mga inisiyatibo upang masiguro ang "sustainability" ng business sector, kabilang na ang mga MSME, sa gitna na rin ng mga hamon na kanilang kinakaharap dulot ng climate change.

Ang nasabing pagtitipon ay bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng PCCI-Laguna Chamber, na nakatanggap kamakailan ng dalawang award mula sa PCCI: ang Most Outstanding Chamber for the Province at Most Outstanding Chamber at the National Level.

Umaasa rin ang PCCI na ang nasabing kumperensiya ay makakahikayat pa ng mga negosyante na mamuhunan sa lalawigan, na nakapagtala ng pinakamalaking kontribusyon sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas noong 2023.

Ulat mula sa PIA Laguna

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #SOLABC


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.