300 residente sa Gen. Nakar, nakinabang sa ‘cash-for-work’ program photo General Nakar LGU
Quezon

300 residente sa Gen. Nakar, nakinabang sa ‘cash-for-work’ program

Nov 24, 2021, 7:37 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Tumanggap ang 300 residente ng General Nakar ng halagang P3,000 mula sa programang cash for work.

GENERAL NAKAR, Quezon —Aabot sa 300 indibidwal mula sa mga barangay ng Kabilugan, Ilaya, at Baybay ang nabigyan ng insentibo sa ilalim ng “cash for work” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong nakaraang Martes (Nobyembre 23).

Ayon kay Carmencita Suaverdez, Municipal Social Welfare and Development Officer, matagumpay na nakatuwang ng pamahalaan ang mga mamamayan ng General Nakar sa iba’t ibang uri ng serbisyo publiko gaya ng communal gardening, tree planting, declogging, at iba pa.

Ang nasabing programa ay naglalayong makapagbigay ng sampung araw na pansamantalang trabaho sa mga mamamayang kapos at walang mapagkukuhanan ng kabuhayan na may suweldong P300 kada araw.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang ganitong uri ng programa upang makapagbigay ng alternatibo at dagdag na pagkakakitaan sa mga mamamayan.

Pinasalamatan naman ng mga benepisyaryo si Mayor Esee Ruzolat DSWD at sa walang sawang pagsuporta sa mga programang pangkabuhayan ngbayan.

Tags; #GeneralNakar #QuezonProvince #opinyonquezon #opinyonnews


More about Quezon

Mahigit 30 medical frontliners sa QMC, tinamaan ng Covid-19

Mahigit 30 medical frontliners sa QMC, tinamaan ng Covid-19

2 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.