3 bata, nalunod sa Santa Rosa
Death

3 bata, nalunod sa Santa Rosa

Jul 6, 2026, 4:01 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang paalala sa mga magulang ngayong panahon ng tag-ulan: bantayang maigi ang inyong mga anak kapag nagkakayayaan silang maglaro sa labas.

Tatlong bata ang nasawi matapos malunod sa Laguna de Bay sakop ng Santa Rosa City, Laguna noong Huwebes, June 25.


Hindi na umabot nang buhay sa Santa Rosa City Community Hospital ang tatlong menor-de-edad na nasa edad 3, 7 at 12, pawang mga residente ng Barangay Sinalhan ng lungsod na ito.


Ayon sa salaysay ng mga saksi, nagkayayaan umanong maglaro sa labas ang tatlong biktima sa gitna ng malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Laguna bandang alas-sais ng gabi ng Huwebes.


Hindi umano namalayan ng mga kaanak ng mga biktima na nagpunta na pala sa Laguna de Bay ang mga bata para doon maligo.


Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita na umano ng lola ng mga biktima ang tatlo na nalulunod na pala sa malalim na bahagi ng lawa.


Kaagad namang kumilos ang mga residente upang mailigtas ang mga bata ngunit wala na silang buhay nang maiahon mula sa lawa.


Napag-alaman rin na special child umano ang isa sa mga biktima.


Nagpapatuloy naman ang imbestighasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNew



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.