20, sugatan sa karambola
Accidents

20, sugatan sa karambola

Oct 22, 2025, 3:40 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Umabot sa 20 katao ang naiulat na nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Cabuyao City, Laguna kamakailan.

Ayon sa Cabuyao City police, sangkot sa nasabing aksidente ang isang Isuzu Giga tank lorry na may plakang RJE-233; isang modern jeepney na biyaheng Calamba-San Pedro at may plakang NEE-6163; isang traditional jeepney na biyaheng Calamba-San Pedro at may plakang DXD-564; ar isang Suzuki Vitara GLX SUV na may plakang NFW-9900.

Sa naging imbestigasyon ng mga awtoridad, binabaybay ng truck na minamaneho ng isang alyas "Francisco," 39 anyos at residente ng Calaca City, Batangas, ang kahabaan ng National Highway papunta sa direksyon ng Maynila.

Pagsapit sa bahagi ng Barangay Banaybanay, Cabuyao City, Laguna, ay tinangka ng driver ng truck na prumeno ngunit hindi umano niya natantiya ang distansya niya at ng modern jeepney, dahilan upang mabangga niya ang likurang bahagi nito.

Bumangga ang modern jeepney sa likuran ng traditional jeepney, na bumangga naman sa SUV.

Lima sa mga pasahero ng modern jeepney ang naiulat na sugatan, gayundin ang mga pasahero ng traditional jeepney, SUV at ilang mga pedestrian na nahagip ng mga naaksidenteng sasakyan.

Kaagad namang naisugod sa Ospital ng Cabuyao ang mga nasugatang pasahero, habang nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang driver ng truck na nagpasimuno ng aksidente.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.