2-Week Distance Learning  Ipatutupad Sa Ibaan Schools
Public Health

2-Week Distance Learning Ipatutupad Sa Ibaan Schools

Dahil Sa Heatwave At Pertussis

Apr 16, 2024, 5:46 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

IBAAN, Batangas — Upang maiwasan ang epekto ng matinding init ng panahon, at dahil na rin sa kumakalat na Pertussis Disease, minabuti ng pamahalaang lokal dito sa pangunguna ni Mayor Joy Salvame na suspendihin ang face-to-face classes ng pribado at pampublikong paaralan pansamantala.

Ayon kay Salvame, gagawin munang Modular Distance Learning ang mode ng pagtuturo at pag-aaral ng mga bata ng loob ng dalawang linggo o mula ika-8 hangang 19 ng Abril.

Ginawa na itong opisyal sa bisa ng Executive Order 2024-28 na nilagdaan ng punong bayan noong Lunes, ika-8 ng Abril at epektibo hanggang ika-19 ng buwan.

Pinaalalahanan din ni Salvame ang mga mamamayan ng Ibaan na maging maingat lalo na ngayong mas dama ang matinding init na dulot ng El Niño at sa banta ng Pertussis, ang mahigpit na paguubo lalo na sa kabataan.

Kamakailan, ang heat index sa lalawigan ay pumalo na sa 41 degrees celsius partikular na sa lungsod ng Tanauan.

#WeTakeAStand #OpinYon #DistanceLearning #Pertussis #ElNiño #PublicHealth


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.