2 seller, huli sa pagbebenta ng expired na sabon
Arrest

2 seller, huli sa pagbebenta ng expired na sabon

Aug 24, 2026, 7:26 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ang inaakala mong magpapaganda ng katawan mo, minsan ay ikakapahamak mo pa.

Ito ang panganib ng mga expired na sabon na nasabat ng mga awtoridad sa Cabuyao City, Laguna noong Martes, August 18.


Dalawa ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Cabuyao City Police Station, Regional Intelligence Division 4A ng Philippine National Police (PNP), at Food and Drug Administration (FDA) sa isang buy-bust operation sa Barangay San Isidro.


Kinilala ng Cabuyao City police ang mga suspek na sina alyas "Lara," 28 anyos, at alyas "Argie," 35 anyos, kapwa residente ng Barangay Niugan ng lungsod na ito.


Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang representative ng isang kilalang cosmetics company laban sa mga umano'y nagbebenta ng mga expired na beauty products sa Cabuyao City.


Nasabat sa nasabing operasyon ang aabot sa 84 bote ng alcohol at 1,586 na piraso ng beauty soap na lagpas na sa expiration date.


Ayon sa FDA, hindi lamang nawawala ang effectiveness ng mga expired na sabon at beauty products, posible pa itong makasama sa katawan kapag ginamit.


Nakatakda nang kasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) ang dalawang suspek na nakadetine ngayon sa Cabuyao City Police Station.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.