2 San Pedrense, tagumpay sa 13th SEAKF Championship
OpinYon Laguna

2 San Pedrense, tagumpay sa 13th SEAKF Championship

Jul 20, 2026, 2:50 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Dalawang bagong atleta mula sa San Pedro City, Laguna ang dumagdag sa dumaraming karangalan ng lungsod matapos ang naging matagumpay nilang laban kamakailan sa 13th Southeast Asian Karate Federation (SEAKF) Championship.

Ipinamalas nina Serene Trinity Albayda at Hestia Mary Vinzon ang kanilang husay pagdating sa karate bilang mga kinatawan ng bansa sa naturang kampeonato na ginanap noong July 9 hanggang 12 sa Ninh Binh, Vietnam.


Nasungkit ni Albayda ang bronze medal para sa kategoryang U21 Kumite Female (50kg) kung saan nakatunggali niya ang pambato ng hosting country.


Hindi rin nagpahuli si Vinzon dahil hinirang naman siyang panglima sa lahat ng mga lumahok para sa parehong kategorya.


Labis ang pagbati tuloy ng lokal na pamahalaan ng San Pedro para sa nakamit nilang pagkilala sa international stage.


Hangad nila na ipagpatuloy pa ng mga nasabing atleta ang kagustuhan nilang maging mahusay upang magsilbi na ring inspirasyon para sa iba.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.