2 riders patay sa salpukan ng motorsiklo
Accidents

2 riders patay sa salpukan ng motorsiklo

Feb 27, 2024, 8:13 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

STO TOMAS City, Batangas -- Isang malagim na salpukan ng dalawang motorsiklo kung saan parehong binawian ng buhay ang mga sangkot na riders tatlong araw bago sumapit ang Valentine’s Day sa lungsod na ito.

Ayon sa kapulisan ng lungsod, ang mga motorsiklong minamaneho nina Jonel Gardoña, 33, at Esmeraldo Nadong, 58, ay parehong galing sa magkasalungat na direksyon at aksidenteng nagbanggaan nang ulo sa ulo sa kahabaan ng Maharlika Highway partikular na sa Barangay Santa Anastacia bandang alas-4:15 ng umaga ng araw ding iyon.


Sila ay dinala sa Laurel District Hospital sa lugar subalit parehong dineklara silang DOA (dead on arrival) dahil sa malubhang pinsala ayon sa mga otoridad.


Sinabi ng pulisya ng Santo Tomas City (STC) na parehong may suot na helmet ang mga riders nang mangyari ang insidente ngunit naging bale wala ito dahil sa tindi ng kanilang salpukan.


Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng mga CCTV camera sa lugar ng aksidente upang matukoy kung sino ang may kasalanan sa banggaan.


Ipinagtataka lamang diumano ng mga nakasaksi ay kung papaano nangyari ang insidente gayong malawak naman ang trapiko noong Linggo dahil ito’y araw ng pahinga at walang pasok ang mga factory sa First Philippine Industrial Park (FPIP) sa Barangay Sta. Anastacia.


At isa pa halos walang dumadaan sa naturang lansangan sa ganoong oras.

#WeTakeAStand #OpinYon #MotorcycleAccident


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.