2 Lagunense, tumama sa Lotto
PCSO

2 Lagunense, tumama sa Lotto

Aug 12, 2024, 2:46 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ayon sa paniniwala ng mga Intsik, ang buwan ng Agosto ang itinuturing na "Ghost Month" kung saan maaaring makaranas ng masamang kapalaran, lalo na sa pananalapi.

Pero dalawang Lagunense ang naging maswerte agad sa unang linggo ng buwan matapos tumama sa Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakailan.


Noong August 1, isang lucky bettor mula sa San Pablo City ang nanalo sa 6/42 Lotto draw ng PCSO matapos niyang makuha ang winning combination na 03-15-11-17-19-13.


Katumbas nito ang jackpot prize na aabot sa P14,733,011.60.


Ayon pa sa PCSO, nabili ng maswerteng bettor ang kanyang ticket sa isang Lotto outlet sa Arcillas Town Center, Jose Rizal Ave., San Pablo City.


Noon namang August 5, isang bettor mula sa Calamba City ang tumama sa Mega Lotto 6/45 draw matapos makuha ang winning combination na 01-23-20-16-27-03, na may katumbas na jackpot prize na P30,221,261.80.


Nabili ang winning ticket sa isang Lotto outlet sa West Drive, Trade Center sa Calamba City, Laguna.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonStories #PCSO


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.