2 kabataan mula Los Baños, sasabak sa Malaysian Chess Festival
Sports/Games

2 kabataan mula Los Baños, sasabak sa Malaysian Chess Festival

Sep 16, 2024, 5:30 AM
Earl Dick Belardo

Earl Dick Belardo

Writer

Kasalukuyang nasa Malaysia ang mga kabataang Lagunense na sina Zedric Silva at Michaeljako Concio Jr. para lumahok sa 19th IGB Malaysian Chess Festival 2024 sa Cititel Midvalley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia, mula September 13 hanggang 22.

Buwan pa lamang ng Hunyo ay pinadalhan na sila ng imbitasyon mula sa Dat Chess Centre (DATCC) upang lumahok sa nasabing event.

Tumulak na ang dalawa patungong Malaysia noong September 11.

Sina Zedric at Michaeljako ay kapwa tiga-Barangay Mayondon, Los Baños, Laguna ngunit kasalukuyang naninirahan sa Dasmarinas, Cavite si Michaeljako.

Bata pa lamang, ay sumasabak na sila sa mga chess tournaments sa iba’t-ibang lugar.

Buo ang suporta ng kanilang pamilya, pati ang kanilang mga ka-barangay.

Sa katunayan, nagpaabot rin ng pinansyal na suporta ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Mayondon kay Zedric.

Samantala, isang Facebook post, nagpaabot naman ng suporta at pagmamalaki si Los Baños Municipal Councilor Dex Concio sa dalawang Kabataan.

“Good luck sa inyong Chess Competition sa Malaysia! Alam kong napaka-mahirap at challenging ng laban na ito, pero tiwala ako sa inyong talento at dedikasyon. Ipakita ninyo ang inyong galing at maging inspirasyon sa lahat. Nawa’y magtagumpay kayo at makuha ang magandang resulta na nararapat sa inyo. Go lang ng go at tandaan na lahat kami ay sumusuporta sa inyo! Laban lang!” ani Concio.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #MalaysianChessFestival #DATCC


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.