2 insidente ng holdapan sa Cabuyao
OpinYon Laguna

2 insidente ng holdapan sa Cabuyao

Mar 25, 2025, 8:32 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Dalawang establisyimento sa Cabuyao City, Laguna ang nabiktima ng mga holdaper nitong nakaraang Linggo, March 16, at madaling-araw ng Lunes, March 17.

Sa Barangay San Isidro, isang minimart ang natangayan ng aabot sa P10,000 matapos pasukin ng isang holdaper.


Ayon sa may-ari ng minimart na kinilala lamang sa alyas na "Edith," nagmamando umano siya sa loob ng kanyang tindahan sa loob ng isang subdivision sa Barangay San Isidro badang alas-otso ng gabi ng Linggo nang isang lalaking nakasuot ng helmet, facemask at itim na jacket ang dumating at nagpanggap na bibili ng sigarilyo.


Walang anu-ano'y bigla na lamang umano siyang tinutukan ng baril ng holdaper sabay kuha sa kita ng kanyang tindahan.


Tumakas ang suspek matapos ang insidente sakay ng isang hindi naplakahang motorsiklo.


Sa Barangay Marinig naman, arestado naman ang isang suspek sa tangkang panghoholdap sa isa ring tindahan bandang hatinggabi ng Lunes.


Ayon sa may-ari ng tindahan na kinilalang si alyas "Angel," magsasara na umano siya ng kanyang tindahan nang isang lalaki ang dumating at tinutukan ang biktima ng patalim.


Dito na nagsisigaw ang biktima, dahilan upang dumating ang kanyang mga kapitbahay at madakip ang suspek na kinilalang si alyas "Severino," 51 anyos at residente rin ng nasabing barangay.


Nakakulong na sa Cabuyao City Police Station si "Severino" na nahaharap ngayon sa kasong attempted robbery.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.