2 illegal recruiters, timbog sa Sta. Cruz
Arrest

2 illegal recruiters, timbog sa Sta. Cruz

Nov 25, 2025, 8:08 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Dalawang umano'y illegal recruiter ang nabuking sa kanilang masamang gawain sa Santa Cruz, Laguna nitong nakaraang Sabado, November 15.

Personal na nagtungo sa Santa Cruz Municipal Police Station ang mga nabiktima ng dalawang recruiter na kinilalang si alyas "Jemilyn," 42 anyos, at alyas "Niño," 45 anyos at residente ng Barangay Santo Angel Norte ng nasabing bayan.


Ayon sa salaysay ng 2 biktima na tinatayang nasa edad 24 hanggang 62 taong gulang, magkakasabay umano silang ni-recruit ng dalawang suspek at pinangakuan ng trabaho sa Japan.


Hiningan umano sila ng pera ng mga suspek kapalit ng processing ng kanilang aplikasyon para makapagtrabaho sa ibang bansa.


Ngunit kalaunan ay nadiskubre nila na hindi pala lehitimong recruitment agents sina "Jemilyn" at "Niño," dahilan upang isuplong nila ang dalawa sa mga awtoridad.


Nakadetine na sa Santa Cruz Municipal Police Station ang dalawang suspek na nahaharap sa patong-patong na mga kasong illegal recruitment at estafa.


Paalala naman ng mga awtoridad sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na siguruhin munang lehitimo at accredited ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga kausap na recruitment agent o agency.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.